Love, Relationship at Iba Pa- Part 2

Why do people fall in love?

May kinalaman nga ba si Gravity kung bakit tayo naiinlove?

Sabi sa article na to:http://www.2knowmyself.com/relationship_breakups/why_do_we_fall_in_love 

The answer is simple, its all related to how your mind works. If you are single or currently not in a relationship then your mind will always be on a hunt for your long awaited partner. Even if you think that you don’t care about relationships now still you will fall in love with the first person who matches your criteria.

Minsan kasi parang gutom yan, pag naramdaman mo, kailangan mong kumain para magkalaman yung kumakalam mong sikmura,

So naisip ko , ‘pag single ka (o minsan kahit hindi) ‘pag nakaramdam tayo ng lungkot, ng pangangailangan ng kalinga, eh kailangan natin punan ung pangangailangan na yun , so instinct na kapag nag iisa ka, kailangan mong humanap ng makakasama at magpupuno ng kulang sa buhay mo.

Dun nagsisimula yung Falling in love phase, yung pag alam mo sa sarili mo na available ka at you need to fill up that missing part of you. Hindi din natin makakaila na minsan nga kahit hindi available eh nafafall pa sa iba kasi napupunan nila yung kulang (tama man o mali, nangyayari, at hindi natin dito ididiscuss yun)

Sa mga di inaasahang pagkakataon dun pa madalas ng nangyayari na nafafall tayo at dun na nagsisimula ang Roller coaster ride ng pag ibig.

People can fall in love over time, but most often it is sudden, developing quickly. It is called falling in love because it seems beyond control—a little like falling down.

How can we be sure that we really love someone?

Pa’no nga ba malalaman na mahal na natin ang isang tao?

Meron nga bang standards na kailangan sundin para masabi mo na nagmamahal ka na?

Sapat na bang dahilan ang pagiging masaya kapag kasama mo sya?

Ilan lang yan sa napakadaming tanong na tumatakbo sa isip natin ‘pag nakaramdam tayo ng kakaiba sa isang tao.

Yung “butterflies in the stomach” na feeling , hindi mo sa lahat ng tao mararamdaman yun. Yung excited ka makita sya at makasama. Yung sya yung bukambibig mo kahit d naman sya kasama sa usapan. Yung napapangiti ka kapag naalala mo sya at yung moments na tulala ka at nagdeday dream about sa kanya. Hala ka! Ayan na!

Minsan di sapat na dahilan ang mga nasabi ko para sabihing mahal mo na ang isang tao pero  malaking factor na pag na occupy nya na ang halos kalahati ng utak mo.

Let’s just make it simple: It is a voluntary process.

Ikaw lang ang makapagsasabi na you’re starting to fall or pag mahal mo na yung isang tao.Eto yung hindi pilit na emosyon, yung ikaw alam mo sa sarili mo na iba sya at iba ung pakiramdam pag kasama sya at kapag sya ang nasa isip mo.

Wala sigurong tamang salita to describe pag LOVE na yung naramdaman mo.

Sabi nila, ako daw yung taong inlove sa Love. Totoo, kasi kahit ngayon na sinusulat ko to, nakakatuwang isipin yung nga bagay na nangyayari pag naiinlove ka na. Yung kahit magdamag kang puyat bastakausap sya, ang ganda pa rin ng gising mo.

Yung tuwing umaga, you look forward seeing that person at excited ka lagi sa panibagong mangyayari.

It gives you inspiration.

kahit nga pag may gusto tayo , we are inspired to look good, to be better.

and butterflies, those butterflies.. its all true!(ganun ako kiligin!!)

Just seeing the person makes you feel good.

to be continued…

Published by lovelylalen

29. OFW. Inked. Writer. Single. Dreamer. Emotera.

Leave a comment